Advertisers

Advertisers

33.3M Pinoy na ang fully vaccinated – DOH

0 436

Advertisers

UMABOT na sa 33.3 milyon ang Filipino na nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID 19 vaccine ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, bilang ay 39 porsiyento ng 84 milyong Filipino na maari nang bakunahan ng proteksyon kontra COVID-19.

Sa Nobyembre 29 isasagawa ng gobyerno ang tatlong araw na ‘Bayanihan, Bakunahan’ upang mapabilis ang pagbabakuna sa mamamayan.



“Kaya natin ito ginagawa para maitaas pa ho natin ang fully vaccinated sa ating bansa bago man lang mag-Pasko, bago mag-holiday season. So, that’s our real target–those who are not yet vaccinated,” aniya.

Target ng DOH na maturukan ng kanilang 1st dose sa tatlong araw ang 15 milyon Filipino.

Ngunit paglilinaw ng tagapagsalita ng DOH na pinag-uusapan pa kung maaring magbigay ng ‘third dose’ o booster shots sa tatlong araw ng malawakang bakunahan.