Advertisers

Advertisers

Saso nalaglag sa 8th sa world rankings

0 237

Advertisers

NALAGLAG ang Filipino Japanese golf sensation Yuka Saso mula sa 6th to 8th sa huling Rolex Women’s World Golf Rankings na inilabas nitong Martes.

Ang pagbaba ng ranking ni Saso ay lumabas isang araw matapos ang 48th place finish sa CME Group Tour Championship sa Tiburon Golf-Gold Course sa Naples,Florida.

Japanese Nasa Hataoka, na dating No.8 ang pumalit sa puwesto ni Saso sa No.6 spot matapos maging No.2 sa CME Group Tour.



Samantala, American Olympic champion Nelly Korda nanateli sa tuktuk ng standings sa 10 players nakaraang Linggo. Maliban kay Saso at Hataoka, na nagpalitan ng puwesto.

Ko Jin-Young, na nagreyna sa CME Group Tour Championship, ay 2nd habang ang kanyang kababayan Park In Bee at Sei Young-Kim ay 3rd at 4th sa world rankings, ayon sa pagkakasunod.

Lydia Ko ng New Zealand ay 5th at Minjee Lee ng Australia ay 7th place.