Advertisers

Advertisers

ISKO PASOK NA SA TOP 1 SA SURVEY!

0 450

Advertisers

NANATILING nasa Top 1 ranking si Aksyon Demokratiko presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno, base sa pinakahuling survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

Ang survey ng RPMD ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews nitong Nobyembre 16-24, 2021, sa 10,000 respondents mula sa 61,843,730 registered voters.

Ang mga respondent na ininterbyu ay tinanong na: Sino ang iboboto mo sa pagka-Presidente kung ngayon gaganapin ang eleksyon? Nasa 2.56% lamang ng mga botante ang hindi nakapagpasya.



Sa naturang survey, lumabas na si Moreno ay nakakuha ng 21.75%, na kung pagbabasehan ang margin of error na 2+/-, na may 95% confidence level, ay lalabas na ‘statistically tied’ sila ni Ferdinand Marcos, Jr.

Sa survey na ito, dinomina ni Moreno ang National Capital Region (NCR) sa kanyang nakuhang 30.18%, at kahit nakuha pa ang talunang vice-presidential aspirant ang Visayas na may 19.80%, ay lalabas na lamang parin ang Aksyon Demokratiko presidential aspirant sa 17.87 percent ng huli.

Nanguna si Marcos Jr. sa bahagi ng Luzon na may 28.85%, lamang ng 22.70% kay Moreno. Ang dating presidential son ay bahagyang lumamang kay Moreno sa Mindanao na may 19.27%, sa 17.56% na nakuha ng dating basurero at iskwater ng Tondo, Maynila.

Si Senador Manny Pacquiao naman ay nakakuha ng 20.52% sa Visayas habang 24.8% sa Mindanao kaya siya nalagay sa 3rd spot (15.94% ), tie sila ng 4th placer na si Vice President Leni Robredo (15.10%).

Si Senator Christopher “Bong” Go ay nakakuha ng 14.25% para sa 5th, habang si Sen. Panfilo “Ping” Lacson ay meron lamang 6.35% at si Ernie Abella ay may 0.10% sa latest statistical survey.



Ang listahan ng presidential at vice-presidential aspirants ay base sa final list ng mga kandidato matapos ang substitution noong Nobyembre 15 kungsaan si Davao City Mayor Sara Duterte ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-vice president sa ilalim ng Lakas-CMD party makaraang umatras sa pagka-mayor.

Samantala, labis na nagpasalamat si Moreno sa latest presidential survey na RP-Mission and Development Foundation Inc.

“Salamat naman pero malayo pa. Tao muna ang pagtutuunan ko ng atensyon. Gusto ko munang makinig sa tao sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas. At the same time mairaos natin ‘yung tao, maitawid natin ‘yung tao. Kasi hirap ang mga tao ngayon,” ayon kay Moreno.

Si Moreno ay kumakandidato sa pinakamataas na posisyon sa bansa kasama si Dr. Willie Ong na kanyang vice presidential candidate. Tumatakbo sila sa Bilis Kilos 10-Point Program of Governance na naglalayong maprotektahan ang buhay, maitaguyod ang kabuhayan at lumikha ng maraming trabaho.

Sa loob lamang ng dalawang taon mula nang maging alkalde ng Manila si Moreno noong 2019, nilinis niya ang masalimuot na mga lugar ng Divisoria at Quiapo sa loob lamang ng ilang araw; nakapagpatayo siya ng 344-bed Manila Covid-19 Field Hospital sa Quirino Grandstand sa loob lang ng kumulang sa dalawang buwan.

Nakapagpatayo rin siya ng apat na mga proyektong pabahay para sa mga mahihirap na pamilya at mga informal settler; nakapagpatayo ng makabagong gusali ng pampublikong paaralan; nakapagpamahagi ng mga tablets at computers sa public school teachers at mga estudyante, at patuloy pa rin ang pamamahagi niya ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya sa gitna ng pandemya.