Advertisers

Advertisers

Dahil kapwa may anak nang lalaki… Jennylyn at Dennis, girl ang magiging anak; Bela balik-Pinas ‘pag wala na ang Covid

0 257

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAGING Maritess naman ang pagtira for good ni Bela Padilla sa London.

Pero pinabulaanan ito ng aktres at sinabing ‘di naman daw siya siya matatagalan sa London.



Dahilan naman nito ay ang pangamba sa kanyang kalusugan dahil sa Covid kaya ayaw muna nito gumawa ng project.

Pero ito ngang lumuluwag na at bumababa ang Covid cases baka next year ay okey na ang buong mundo lalo na sa Pilipinas.

Parang vacation mode lang ang drama ni Bela.

Pero for sure ay babalik pa rin ito sa work lalo na nga raw at may project siyang gagawin sa Viva.

Pagmamalaki pa nito sa post na baka February ay mag-start na nga raw ang bago nitong project sa Viva.



At  ang killer virus na Covid naman ang tinuturo nitong dahilan kaya pansamantala muna itong hindi nag-work.

Paglilinaw pa ni Bela na hindi for good ang pag-stay nito sa London.

Babalik at babalik pa rin daw siya lalo na next year ay may bagong project itong gagawin.

***

WISH granted! Ito ang bulalas ng ilang fans nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Kung dati ay hindi pa malaman kung ano ang magiging anak nila, kung boy ba or girl.

Tapos at wala pa rin socmed at ‘di raw tulad ngayon na high tech na ang panahon.

Pareho na ngang may kanya-kanyang anak sina Dennis at Jennylyn sa mga dati nitong partner.

Si Jennylyn ay may anak sa aktor na si Patrick Garcia,si Alex Jazz.

Ganundin si Dennis na nagkaroon ng anak sa beauty queen na si Carlene Aguilar, isa rin itong lalaki, si Calix.

Noon pa man ay wish ng couple na maging babae na ang kanilang anak.

At sa rebelasyon ng celebrity couple sa kanilang baby gender ay inamin nila na it’s a baby girl na ang magiging anak nila.

Wish granted nga raw sina Dennis at Jennylyn tutal naman daw ay pareho na silang may anak na lalake.

Well, well, well…’Yun na!