Advertisers

Advertisers

Demand ng Chinese gov’t sa ‘Pinas, ‘unacceptable’ — Bong Go

0 454

Advertisers

“No one can legally prevent us from exercising our rights. Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas.”

Ito ang iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go bilang reaskyon sa demand ng Chinese government sa Pilipinas na alisin ang grounded ship BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang Ayungin Shoal na matatagpuan sa West Philippine Sea, ay naging tampok kamakailan sa isang insidente nang harangin at kanyunin ng tubig ng Chinese Coast Guard ang supply ships ng Pilipinas na magdadala ng mga pagkain para sa mga tauhan ng militar na nakatalaga sa naka-ground na lumang barko ng Philippine Navy. noong Nobyembre 16.



“I find this demand not acceptable. The Ayungin Shoal is part of the Kalayaan Group of Islands—an integral part of the Philippines. It belongs to us and it is ours to protect and use for the benefit of our people,” ani Go, nagsisilbi rin bilang vice chair ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation.

“Ipaglaban natin ang ating karapatan sa maayos at mapayapang paraan. I continue to urge our government to stay the course in asserting our national interests,” iginiit ng senador.

“I urge all stakeholders to exercise restraint and avoid increasing the tension and, instead, abide by our commitments and duties under international law. This is how responsible members of the international community should rightly comport themselves,” sabi pa ng kumakandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Alinsunod sa kanyang independiyenteng patakarang panlabas, inilatag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin ng insidente sa Ayungin Shoal sa ASEAN-China Special Summit noong Lunes.

“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments. This does not speak well of the relations between our nations and our partnership.”



“There is simply no other way out of this colossal problem but the rule of law,” ayon sa Pangulo.

Tatlong “majoor powers” ang naglabas ng pahayag ng pagsuporta para sa Pilipinas kasunod ng insidente ng shoal.

Muling pinagtibay ng Estados Unidos ang pangako nito sa kasunduan sa Pilipinas sa pagsasabing ang armadong pag-atake sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa South China Sea ay maghihikayat sa mga pangako sa pagtatanggol sa isa’t isa ng US sa ilalim ng Artikulo IV ng 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty.

Inulit naman ng Japan ang pangangailangan na mapayapang ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan batay sa internasyonal na batas.

Australia ay nagpahayag din ng pagkabahala sa insidente at muling pinagtibay ang suporta nito para sa Pilipinas at sa 2016 arbitral ruling.

Noong 2016, pinawalang-bisa ng Arbitral Tribunal sa Permanent Court of Arbitration na nakabase sa The Hague, Netherlands ang argumento ng “nine-dash line” ng China na ginamit nito upang maangkin ang malalaking bahagi ng West Philippine Sea.

Noong 1999, pinaglayag ng militar ng Pilipinas World War-2 cruiser na Sierra Madre na sumadsad sa Ayungin Shoal upang palakasin ang pag-angkin ng bansa at lumikha ng isang ligtas na kanlungan para sa isang maliit na puwersa ng mga armadong tauhan.