Advertisers
NADAKIP din sa wakas ang isa sa mga sangkot sa pagpatay sa Italyanong pari sa probinsya ng Cotabato.
Kinilala ang nadakip na si Ricardo Boryo Dorado alyas “Nene Dorado”, 65 anyos, may asawa at dating kapitan ng ng Barangay Dallag, Arakan, Cotabato.
Ayon kay Arakan Chief of Police, Captain Edgar Allan Espadera, naglunsad sila ng manhunt Charlie operation katuwang ang PNP Regional Intelligence Division (RID-12 Tracker) sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Jojet Nicolas laban kay Dorado.
Inaresto si Dorado base sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Arvin Balagot ng RTC-12 sa kasong Murder.
Itinuro ng mga testigo si Dorado na sangkot sa pagpatay sa kay Fr. Faustino “Pops” Tentorio.
Nakapiit na si Dorado sa Arakan PNP.
Pinaghahanap pa ang apat ibang killers ng pari.(Mark Obleada)