Advertisers

Advertisers

Buhay Party List todo suporta sa kabataan, sining at kultura

0 416

Advertisers

Mula nang mabuo ang Buhay Party List, layon ni Deputy Speaker Cong. Lito Atienza, kung saan ito ang nagtatag ng nasabing grupo, at kasalukuyang aspirante sa pagka-Bise Presidente para sa 2022 polls, na sumuporta at tumulong sa mga kabataan, sining at kultura.

Noong panahon na Alkalde ng Maynila si Atienza, nagtatag at sumuporta ito at ang kanyang Misis na si Beng sa mga kapaki-pakinabang na grupo tulad ng Hiyas ng Maynila Dance Company, na humubog ng mga kabataan sa pagsasayaw, at nagkaroon naman ng livelihood projects ang Kababaihan ng Maynila.

Inaasistehan din ng Buhay Party List ang Mr. and Ms. Philippine Youth, na kabilang sa kanilang tradisyon ang sumuporta sa mga kabataan para magsilbing simbolo ng nationalism at community ideals.



Layunin ng Buhay Party List at Mr. and Ms. Philippine Youth, na maging huwaran ang mga kabataan para sa ibang young adults upang magkaroon ng inspirasyon at tiwala sa sarili.

Isang malaking karangalan din ng Buhay Party List na suportahan si Philippine Youth Ambassadress, Maureen Wroblewitz.

Samantala, para sa 2022 elections, mayroon tatlong bagong nominado ang Buhay Party List na kinabibilangan nina Von Valdepeñas, Mark Brian Paz, at Xavy Padilla.

Ayon kay 1st nominee Valdepeñas hindi lamang para sa mamamayang Filipino ang Buhay Party List, kung hindi para rin ito sa lahat ng kabataan na nasa bansa, na handa nilang paglingkuran ng buong puso at walang pag-iibot.

Ayon pa kay Valdepeñas, na naglaan ng oras at sinikap na paglaganapin ni Cong. Atienza ang Buhay advocacy, na ninais niyang pagandahin ang buhay ng mamamayang Filipino, ipinaglalaban na madagdagan ang sahod, magkaroon ng magandang edukasyon at mawala ang korupsyon sa bansa.



Sinabi naman ni 3rd nominee Padilla, na kailangan natin ng maayos na gobyerno upang makamit natin ang magandang buhay.