Advertisers

Advertisers

Pagbusisi ng ismagling sa bansa, ikinatuwa ng sektor ng magsasaka

0 263

Advertisers

Pinuri ng grupo ng mga magsasaka ang gagawaing imbestigasyon ng Senado sa Martes sa isyu ng talamak na smuggling sa bansa.

Nabatid na nais ng Senado partikular ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na malaman ang totoong dahilan kung bakit nangyayari pa rin ang smuggling sa produktong agrikultura kung saan apektado rito ang industriya at kabuhayan ng mga magsasaka.

Ayon kay Agriculture Sector of the Philippine (AGAP) President at 1st nominee Nicanor Briones, na sa gagawing imbestigasyon matutukoy na kung sino ang dapat managot sa mga iligal na gawain dahil hanggang ngayon wala naman hinuhuli o kinakasuhan kaya nawawalan ng silbi ang Anti-Agricultural Smuggling Act na isang economic sabotage na walang kaukulang piyansa ang mahuhuli.



Ayon kay Briones, dapat ang Bureau of Customs (BOC) ang isa sa sumusuri sa mga pumapasok na kargamento sa bansa kung saan ang ilan sa mga ito pumapasok sa ‘misdeclaration’ o ‘under declaration.

Sinabi pa ni Briones na maraming sistema ng pangdaraya ang mga may-ari ng kargamento para makapagbayad ng mababang taripa.

Idinagdag nito na isang malaking kawalan sa bansa ang first boarder facilities na sumusuri sa mga ipinapasok sa produkto sa bansa upang mabawasan ang ismagling dahil pisikal na masusuri ito.

Pahayag pa ni Briones na dapat nating labanan ang over importation dahil nasisira ang ating lokal na industriya at hindi safe kainin ang mga ito.

Aniya, maging sa Department of Agriculture (DA) may hokus-pokus na nangyayari sa pagbibigay ng permit dahil kada cointainer may kaukukang tara.



Hanggang sa kasalukuyan tahimik ang gobyerno pagdating sa usapin ng ismagling sa bansa at patuloy na pinahihirapan ang mamamayang Filipino.

Dagdag ni AGAP partylist 1st nominee Briones, na dapat lamang nating tangkilikin ang mga lokal na produkto kasama na ang mga karne ng baboy at manok gayundin ang mga isda. Dahil ang pagtangkilik sa sariling atin malaki ang maitutulong sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka at producers na labis na naaapektuhan ng Covid-19 pandemic.