Advertisers

Advertisers

Hindi na tayo mapag-iiwanan, Poe sa pag-apruba sa Public Service Act

0 506

Advertisers

INAPRUBAHAN na ng Senado sa ikatlong pagbasa ang pag-amiyenda sa American-era Public Service Law o Commonwealth Act No. 146 na naglilimita sa “public utility” sa mga kumpanya na kinabibilangan ng electricity at water at pagturing sa iba bilang public service upang makaakit ng mas maraming dayuhang pamumuhunan.

“It was a seemingly impossible journey to pass this bill,” pahayag ni Sen. Grace Poe kasabay ng paglalarawan sa Public Service Act bilang legacy bill na magpapalabas sa pamumuhunan sa mga sektor tulad ng telekomunikasyon.

“Hindi na tayo mapag-iiwanan,” dagdag ni Poe. “The country is now open for business but it must be according to our terms and our specific needs.”



Kabilang sa pangunahing probisyon ng batas ang pagmamandato sa mga kumpanya na mapapatunayang nagsasamantala sa tao na ibalik ang kanilang kita.

Sa ilalim ng panukala, mandato ng National Security Council na i-review ang mga dayuhang pamumuhunan na maaring magkontrol sa critical infrastructure at bumuo ng congressional oversight committee na magsasagaw ang ebalwasyon sa pagpapatupad ng batas kada limang taon.

Nakasaad din sa batas ang klasipikasyon sa public service bilang public utility alinsunod sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority kasabay ng paggulong ng ekonomiya at pagbabago sa pangangailangan ng publiko.

“This is the most consequential legislation in the country,” pahayag pa ni Poe “Let this be the game changer that businessmen say we need to attract more investments and improve public service. We have put in place safeguards to allay concerns on foreign ownership in critical infrastructure that do not sit well for some. The role of the legislative is to make laws that we hope the executive will implement for the betterment of the public.” (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">