Advertisers

Advertisers

P5.024-T national budget sa 2022 niratipikahan na sa Kamara

0 254

Advertisers

NIRATIPIKAHAN na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee Report hinggil sa 2022 proposed P5.024 trillion national budget.

Inihabol ito ng Kamara bago pa man ang kanilang Christmas break na nakatakdang magsimula ngayong Huwebes, Disyembre 16.

Iaakyat na ito sa Office of the Presidente dahil niratipikahan na rin ng Senado ang General Appropriations Bill kahapon.



Nauna nang sinabi ni House Appropriations Committee chairman Eric Yap na kabilang sa mahahalagang nakapaloob sa GAB ay ang alokasyon para sa COVID-19 pandemic response at pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng krisis-pangkalusugan.

Sinabi ni Yap na P50 billion ang inilaan para sa special risk allowance ng mga healthcare workers at nasa P48 billion naman ang alokasyon para sa booster shots.

Ang kontrobersyal na NTF-ELCAC ay hindi nila inalisan ng pondo sa kabila ng panawagan ng ilang mga kritiko, kundi pinaglaanan pa ito ng nasa P16 billion. (Henry Padilla)