Advertisers

Advertisers

“Agila” sa bagong P1,000 bills, pinuri ng AND KNK at iba pa

0 226

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… May tinawag na akong ibong mandaragit mula sa silangan, ang aking lider at sambayanan mula sa silangan, sa malayong lupain, upang ganapin ang aking mga layunin…” (Isaias 46:11, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

AND KNK AT IBA PANG MGA GRUPO, SUMASANG-AYON SA PAGLALAGAY NG “AGILA” SA BAGONG P1,000 BILLS: Taliwas sa mga puna, batikos o kritismo sa bagong P1,000 bill na ilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa 2022 dahil ang bagong bill na ito diumano ay “sampal sa mga bayani ng bansa”, pagkatig o pagsang-ayon sa pagkakapalit ng agila sa tatlong litrato ng mga tao sa nasabing bagong bill ang nagmula naman sa maraming grupo, sa pangunguna ng Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo (AND KNK).



Sa mga hosts ng daily morning radio-online show na 21 Minutos Mas o Menos, napapanahon ang pagkakalagay ng agila sa bagong bills sa harap ng nagaganap na “spiritual revival” sa maraming mananampalatayang Pilipino.

Sa mga grupong ito, idinidiin nila ang pagkilala ng Bibliya sa agila bilang isang simbolo ng pagiging maka-Diyos, at sa pagiging simbolo din naman nito sa kalakasan at mataas na antas ng katagumpayan sa mga nananampalataya sa Diyos.

Isang sulat ang ipinapadala ngayon ng AND KNK sa Pangulong Duterte at kay Governor Benjamin Diokno ng BSP upang ipaabot sa kanila ang mga dahilan ng pagsang-ayon ng mga Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo sa paggamit ng agila sa harap ng bagong P1,000 bills.

Ayon sa AND KNK, kumikilala ang pagkakalagay ng agila sa bagong bills sa katotohanang may tinawag ang Diyos na Kaniyang “ibong mandaragit”, ang agila, upang bigyang-katagumpayan ang Kaniyang layunin, ayon sa Isaias 46:11 ng Bibliya.

-ooo-



SULAT SA PANGULONG DUTERTE AT BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS, NAGPAPALIWANAG SA KAHALAGAHAN NG AGILA SA BAGONG P,1000 BILLS: Sinasabi ng Bibliya na ang “ibong mandaragit” ng Diyos ay tinawag Niya mula sa “silangan”, sa “malayong lupain”, upang ganapin ang naunang pangako ng Diyos na paggagawad ng tatlong antas ng kaligtasan sa mga tao, sa Pilipinas at sa buong mundo, na tatanggap at sasampalataya sa Kaniya na Siya ang Diyos na si “Ako Nga”, ang Diyos ni Abraham, Isaac, at Jacob, na nagpakilalang ang Kaniyang Pangalan ay Jesus.

Sa paliwanag ng AND KNK, ang “ibong mandaragit” o agila ng Diyos ay ang Kaniyang piniling “lider” at ang Kaniyang “sambayanan” mula sa silangan, sa malayong lupain. Ang ganitong pagpapahayag, o salin ng Bibliya ay mababasa sa New Living Translation, NLT, na ang buong kopya ay makikita online, partikular sa www.biblegateway.com.

Ipinagdidiinan din ng AND KNK sa kaniyang mga pagpapahayag sa lahat ng mga programa nito na sumasahimpapawid sa Kadugo Media Network o kadugo.net, na ang tinutukoy na “silangan” at “malayong lupain” sa Isaias 46:11 ay ang Pilipinas.

Bagamat walang eksaktong pahayag ang Isaias 46:11 at maging sa buong Bibliya na direktang kumikilala sa Pilipinas bilang “silangan” at “malayong lupain”, ang Diyos naman mismo ang kumilos upang kilalanin ang Pilipinas na siyang “silangan” at “malayong lupain”.

Ginawa ito ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay Niya sa Pilipinas ng malaking papel upang manalo ang bansang nananampalataya at tumatanggap sa Diyos laban sa mga bansang hindi kumikilala sa Diyos, sas ikalawang digmaang pandaigdig.

-ooo-

BAGONG P1,000 BILLS NA MAY AGILA, HUDYAT NG PAGKILOS NG DIYOS PARA MAGGAWAD NG TATLONG ANTAS NG KALIGTASAN: Sa Pilipinas kasi itinatag ng mga bansang Amerika, Great Britan, at France, na tinawag na “Allied Powers” noong 1940s, ang kanilang pinagsanib na puwersang militar na tinawag na USAFFE upang mapagtagumpayan ang mga bansang Japan, Germany, at Italy, na kinilala noon bilang “Axis Powers”.

Ang USAFFE ay initials ng United States Army Forces in the Far East. Sa pananaw ng AND KNK, ang Diyos ang nagbigay ng kaisipan sa mga Allied Powers na tawaging USAFFE ang kanilang pinag-isang mga puwersa, dahil nais ng Diyos na kilalanin ng lahat na ang Pilipinas nga ang tinutukoy niya sa Isaias 46:11.

Sa lahat ng ito, lumilitaw na ang “ibong mandaragit” o “agila” ng Diyos ay magmumula sa Pilipinas, kung saan mamumuno ang mga mananampalatayang Pilipino sa mga gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sanlibutan, ngayong nalalapit na ang wakas ng mundo.

Kaya naman napakahalaga ng pagkakasali ng “agila” sa bagong P1,000 bills na ilalabas sa 2022, paliwanag ng AND KNK. Maliwanag na hudyat ang pagkilos na ito ng gobyernong Duterte at ng BSP sa pagbangon ng mga “ibong mandaragit” ng Diyos.

Ito ay upang isulong na Niya ng husto ang paggabay sa mga Pilipino at sa lahat sa mundo ng pagbabalik sa Kaniya sa pamamagitan ng pagkilalang ang Diyos ay si Jesus, na Siyang Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, ayon na rin sa Kaniyang mga ginawa at sinabi, na lahat nakasulat sa Bibliya.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.