Advertisers
KASUNOD ng ulat na nakapasok na sa bansa ang imported na kaso ng Omicron COVID-19 variant, iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na higpitan ang kanilang pag-iingat kasabay ng pakiusap sa health officials at mga eksperto kung kinakailangang irebyu ang pagluluwag o ang umiiral na alert level para hindi ito kumalat.
Bilang chairman ng Senate Committee on Health, sinabi ni Go na lubos siyang nababahala sa nasabing report ngunit nananatili siyang nagkukumpiyansa sa umiiral na Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategy.
“As reports indicated, the first two cases of this variant were detected and isolated on the same dates and contact tracing is presently being conducted to who else were exposed to them,” ayon kay Go.
Sinabi ng mambabatas na dapat ay agad mahadlangan ang paglaganap ng Omicron variant na mula sa South Africa. Kaya naman hiniling niya sa mga Filipino na patuloy na sundin ang health guidelines at manatili na lamang sa bahay kung posible habang naririyan pa ang banta ng COVID-19.
“Gaya ng sinabi ko noon pa, huwag talaga tayong magkumpiyansa habang andyan pa ang banta ng COVID-19.”
“Delikado pa talaga. Kailangang patuloy lang tayong maging alerto at sumunod sa mga itinakdang health protocols, gaya ng pagsuot ng mask at pag-obserba sa social distancing, palaging paghugas ng kamay at pananatili sa bahay kung hindi naman kinakailangan lumabas,” ani Go.
Kinumpirma ng Department of Health kamakalawa na ang Omicron COVID-19 variant ay na-detect sa isang Filipino na nanggaling sa Japan at sa isang Nigerian national.
Ang Pinoy ay nakuhanan ng sample noong December 5 matapos dumating sa bansa noong December 1. Ang Nigerian national naman na dumating noong November 30 ay nakuhanan ng sample nitong December 6.
Ayon sa reports, ang dalawa ay parehong asymptomatic.
“Konting tiis lang po muna tayo hanggang tuluyang makamit natin ang population protection leading to herd immunity at tuluyang malampasan ang pandemyang ito. Ayaw nating masayang ang mga sakripisyo natin sa halos dalawang taon,” ani Go.
Hiniling niya sa health officials at mga eksperto na irebyu ang kasalukuyang protocols para madetermina kung kinakailangang maghigpit muli.
“Sa mga health officials at experts, pag-aralan dapat kung kailangang itaas ang alert status. Balansehin nang mabuti, lalo na ngayong magpa-Pasko na at tradisyong magkakasama ang magkakapamilya,” iginiit ng mambabatas.
Ang bansa ay mananatiling nasa Alert Level 2 hanggang December 31, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles dahil na rin sa pagbaba ng mga bagong.
“Nakikiusap po ako sa ating gobyerno na ipatupad po ‘yung health protocols dahil hirap po ‘yung ganitong sitwasyon. Nakikiusap po ako, unahin po natin ang buhay at kalusugan ng bawat Pilipino,” sabi ng senador.