Advertisers
NAGSAGAWA ng pagsisiyasat ang isang survey firm hingil sa kasalukuyang sentimyento ng mga Pilipino patungkol sa 2022 election.
Naglatag ng ilang katanungan ang Tangere, isang digital market company kung saan si Martin Xavier Peñaflor ang siyang Chief Executive Officer nito.
Ayon kay Peñaflor, nagbigay ng tiwala ang milyong katao na sumagot sa kanilang mga katanungan sa pamamagitan ng online at kung saan nagkakaroon kaagad ng mabilis na kasagutan. At base sa kanilang naging survey nitong December 13 taong kasalukuyan lumabas din agad ang resulta ng Dec. 14 at karamihan sa mga naging respondents nitong galing Visayas.
Ilang sa kanilang mga katanungan lumabas na 2 sa 5 Pilipino na kahit mayroong iba’t-ibang sinusuportahang kandidato mas gugustuhin nilang lumabas ng bansa dahil mas malaki ang tsansa na mas magiging maunlad ang kanilang pamumuhay kaysa manatili sa Pilipinas.
Mas nanaisin rin nilang magtrabaho ang kani-kanilang mga anak sa ibang bansa upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan.
Dagdag pa ng mga respondents na kung sakaling isa kina BBM o Leni ang manalo hindi rin kakayanin ng mga itong palaguin ang ekonomiya ng bansa at mas lalo lang tayong lulubog sa kahirapan.
Samantala, sa pagbabalik ng tradisyunal na politician o ang mga tinatawag na ‘Trapo’ partikular na sina Bongbong Marcos at Leni Robredo, na ayon sa mga respondents na walang pinagkaiba ang mga ito sa kanilang mga pinanggalingan.
Majority ng mga Filipinos ang sumasang-ayon na kasing tatag si Bongbong ng namayapa nitong ama, subali’t marami rin ang ‘di sumang-ayon sa nasabing usapin partikular na ang mga residente ng NCR at South Luzon-Bicol at maging sa mga naging botante nina Defensor-Santiago, Poe at Roxas noong 2016. At sa mga supporters naman ni Lacson, Moreno at Robredo ngayon 2022 polls.
“May isang salita siya, humble at may paninindigan. Kahit gaano kadami ibinabato sa kanya na kasalanan ng pamilya niya ay straight lang siya kung ano ang alam niya nakakatulong at nakakabuti sa taong bayan,” pahayag ng isang lady respondent na sumuporta kay Duterte noong 2016, at kasalukuyang suporter ni Pacquiao.
“Nakita naman po ni BBM ang pamamahala ng kanyang ama, alam niya kung anu ang sinimulan at natapos na mga proyekto ng kanyang ama, kahit sinong anak nanaisin na maging kasing tibay na makatulad sa Ama,” wika naman ng 51 anyos na respondent buhat sa Visayas, na sumuporta rin kay Duterte noong 2016, at ngayon supporter ni Marcos.
May ilan naman na hindi naniniwala sa kakayahan ni BBM dahil iba umano ang character nito sa kanyang ama, kulang sa karanasan, mga nagawa at pang-unawa. At hindi kasing talino at tatag ng kanyang ama.