Advertisers

Advertisers

Diwa ng Pasko ipinadama ni Bong Go hospital patients, watchers sa Davao City

0 175

Advertisers

NAGING tradisyon na niya taon-taon, binisita ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga pasyente at kanilang tagapagbantay sa Southern Philippines Medical Center sa Davao City upang bumati at ipadama ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga regalo sa gitna ng mga hamon sa buhay.

“Sa mga kababayan ko, sana masaya ang inyong Pasko. Kahit nandito kayo sa ospital, ang importante safe tayo. Huwag kayong mag-alala dahil tutulungan namin kayo ni Pangulong (Rodrigo) Duterte sa inyong pagpapaospital,” ang sabi ni Go.

“Hindi man ako tumuloy sa pagtakbo, nandito pa rin ako handang magserbisyo. Hindi namin sasayangin ang pagkakataon na binigay niyo sa amin. Ibabalik namin sa inyo ang serbisyo na para sa inyong lahat,” idinagdag ng senador.



Nagbigay ang senador at ang kanyang mga staff ng snacks, mga pagkain at mga kailangang gamot sa 107 indibidwal, kinabibilangan ng 94 hospital watchers sa Balay Pahulayan, ang common resting area ng ospital.

Nakatanggap din ng mga pares ng sapatos, bisikleta at computer tablets.

Naroon din ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development na namahagi ng financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.

Muling ipinaalala ni Go sa mga ito, lalo sa mga eligible na kumpletuhin ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.

“Huwag kayong matakot dahil ang bakuna ang tanging susi upang tayo ay unti-unting makabalik sa ating normal na pamumuhay. Ang hirap ng sitwasyon noon dahil naka-quarantine tayo. Pero ngayon, kaunti na lang ang bilang ng mga kaso dahil marami na ang mga bakunado.”



“Pero ‘wag tayo maging kumpiyansa dahil delikado pa din ang panahon habang nandiyan pa ang COVID. Sumunod tayo sa mga awtoridad habang nagbabakuna tayo. Sa awa ng Diyos, baka makakabalik na din tayo sa normal natin na pamumuhay,” ayon sa mambabatas.

Hinikayat din sila ni Go na samantalahin ang ibinibigay na serbisyo ng Malasakit Center na mayroon din sa SPMC.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop o pinagsama-samang opisina ng DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes sa iisang bubong.

“Twenty-three years akong nagtrabaho kasama si Pangulong Duterte. Alam namin ang problema sa baba kung saan hirap ang mga tao makahingi ng tulong mula sa gobyerno. Kaya isinulong namin ang batas na ito para nasa loob na ng ospital ang mga ahensya na tutulong para maging zero balance ang billing ninyo.”

“Ngayon, kung hindi kayang i-cover, magsabi lang kayo sa aming ospina. Huwag kayong mag-alala dahil kami na ang bahala sa babayaran ninyo anuman ang karamdaman ninyo,” ani Go.

Noon namang December 23, umaabot sa 500 solo parents at senior citizens sa Barangay Tigatto ang inayudahan ni Go.

Pinangunahan din ng senador ang distribution ng ayuda sa Barangays Vicente Hizon Sr. at Panacan noong December 21 at 20 at sa Barangays Governor Vicente Duterte, Wilfredo Aquino at Tibungco.

“Ang swerte natin dahil halos hindi tinamaan ang Davao City ng Bagyong Odette. Sobrang kawawa ang mga kababayan natin na tinamaan. Maiiyak ka talaga. Masakit sa dibdib ang makita ang mga kababayan mo na walang bahay at humihingi ng tulong dahil wala silang makain. Kaya pinadali ni Presidente Duterte ang pagtulong sa kanila. Ang maitutulong naman natin sa kanila ay magdasal tayo,” anang senador.