Advertisers

Advertisers

Shido Roxas nanawagan ng suporta sa pelikulang ‘Nelia’ at lahat ng kalahok sa MMFF

0 235

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

MAGKAHALO ang naging reaksiyon ni Shido Roxas nang nalamang nakapasok sa gaganaping Metro Manla Film Festival ang kanilang pelikulang Nelia, na nagsimula last December 25.

Aniya, “Magkahalong nerbiyos, gulat, at tuwa po. Nineteen po ang naglaban-laban sa taon na ito at hindi biro para makapasok sa Magic-8.”



Ang Nelia ay hinggil sa mental illness, depression, and anxiety. Ito’y hatid ng A and Q Productions Films Incorporated nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño.

Ang pelikula ay pinagbibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin dito sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Ano ang role niya sa pelikula?

“I play the role of a doctor na medyo strict at may wild side rin,” matipid na sambit ni Shido.

Paano niya ide-describe ang Nelia?



“Ang Nelia ay isang suspense-thriller na may kakaibang atake pagdating sa mga karakter na bibida rito. Iba’t ibang uri ng kamalayan at katinuan ang makikita sa mga karakter na gaganap sa Nelia,” lahad pa ng actor.

Pagdating naman sa sa kanyang co-actors sa pelikula, ipinahayag niyang maganda ang naging samahan nila sa pelikulang Nelia. “They’re all easy-going. We’re able to develop good bond amongst each other during the shoot and promotion.”

Ano ang reaction niya sa 8 entries na pumasok sa MMFF?

“Ngayong taon ay halo-halo bagama’t may four na nasa suspense/horror/thrilller category. Bukod sa Nelia, gusto ko rin po yung trailer ng comedy-horror ng Gonzaga sisters at rom-com nina Rita Daniela and Ken Chan. Sana po ay masuportahan natin ang lahat ng entries, pauna na lang po sng Nelia.

“Kapag manumbalik po kasi ang sigla ng entertainment industry, mas marami tayong matutulungan na mabigyan ng trabaho. It’s a domino effect, kumabaga,” esplika pa niya.

Masasabi ba niyang balanse ang walong entries sa MMFF ngayon taon?

Tugon ng tisoy na actor, “Since wala po akong idea sa mga entries na sumali, malaki naman po ang tiwala ko sa sound and impartial judgement ng mga jury.”

Palagay ba niya ay kikita at magiging successful ang MMFF this year, lalo’t sabik na ang mga Pinoy na manood ng sine?

“Lahat naman po tayo ay sabik makabalik sa mga sinehan, kaya dapat po ay ibalik natin ang kultura and tradisyon ng panonood ng sine, lalo na ngayong Kapaskuhan, bilang ang mga Filipino ay natural movie-fanatics naman talaga.

“Pinaghirapan ng mga producers and artista ang bawat pelikula, pinagpuyatan at pinaganda ang obra, sana naman po ay tangkilikin natin ang sariling atin,” saad pa ni Shido.