Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 421 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Martes, Disyembre 28.
Samantala nakapagtala naman ng 248 na gumaling habang dalawa ang iniulat na nasawi.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa na 2,839,111 ay nasa 9,750 pa ang aktibong kaso.
Kabuuang 2,778,148 naman ang gumaling na at 51,213 ang namamatay na sa virus.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.
Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)