Advertisers
MAGBIBIGAY si Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-P5,000 sa bawat pamilyang naapektuhan ng Bagyong Odette.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na nakakuha siya ng sapat na pondo para bigyan ng ayuda ang mga nasalanta ng bagyo.
Pahayag naman ni Interior Secretary Eduardo Año, naglatag na ng guidelines ang kanilang hanay para sa pamamahagi ng ayuda.
Nasa P4 na bilyon aniya ang nakalaang pondo.
Ayon kay Año, ipamamahagi ang P5,000 na ayuda sa loob ng 15 araw.
Tutulong aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pamamahagi ng ayuda. (Vanz Fernandez)