Advertisers
LUMOBO sa 889 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health nitong Miyerkules, Disyembre 29.
Samantala ay mayroon namang naitalang 214 na gumaling at 28 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (10,418) ang aktibong kaso, 97.8% (2,778,131) na ang gumaling, at 1.80% (51,241) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 27, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.4% sa lahat ng samples na nai-test at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.
Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng face mask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)