Advertisers
NASA 15 milyon doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ang binili ng gobyerno na gagamitin sa mga bata edad 5 hanggang 11 laban sa COVID-19.
Ayon kay National Task Force adviser Dr. Ted Herbosa, posible sa Enero o Pebrero darating ang nasabing mga bakuna.
Agad aniya nilang sisimulan ang pagpapabakuna sa mga bata ng nabanggit na edad kapag dumating na ang mga bakuna.
Matatandaang noong Disyembre 23 nang payagan ng Food and Drugs Administration ang paggamit ng Pfizer-BioNTech vaccine para sa nasabing mga edad.