Advertisers
HIGIT kalahating bil-yong piso halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa operasyon sa Mandaluyong City Lunes ng gabi.
Ang operasyon na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ay isinagawa sa Room 3528, 35th floor ng Tower 3, Light Residence sa Mandaluyong City.
Nasamsam sa operasyon ang nasa 77.5 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P534,750,000.00 at aresto ang negoyanteng si Mike Abac, 32 anyos, ng 8320 Guadalupe Nuevo, Makati City; at Edison de Guzman, 37, cook, ng 1920 Guadalupe Nuevo.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang PDEA. ( Koi Laura)