Advertisers

Advertisers

Lady traffic enforcer nabidyuhan sa pangongotong, sinibak!

0 252

Advertisers

SINIBAK sa serbisyo ang isang babaeng traffic enforcer nang makunan ng isang truck driver ng video ang ginagawa niyang pangongotong sa Silang, Cavite.

Makikita sa cellphone video na kuha ng truck driver na si Prince Alex na nasa unahan ng kanilang sasakyan ang naka-motor na babaeng traffic enforcer.

Sinundan ito ni Alex at ng kaniyang pahinante nang kum-piskahin ang kaniyang lisensiya dahil sa traffic violation.



Ilang saglit pa, tumabi na ang babaeng enforcer sa daan, at tumabi rin sina Alex.

Dito na kinotongan ng lady enforcer ang dalawa para hindi tiketan nang tuluyan ang truck driver.

“Magkano kaya? Magkano nandiyan? ‘Wag lang ‘yung parang barangay tanod,” sabi ng lady enforcer.

Nakiusap ang driver at ang pahinante nito na P200 lang ang kaya nilang ibigay.

Gayunman, nagmatigas ang lady enforcer at sinabing P500 lang ang tatanggapin niya.



“‘Pag nagsimula akong magsulat tuloy-tuloy na ito, maniwala kayo sa akin,” pagbabanta pa ng enforcer.

Sinabi ng dalawa na magdadagdag sila ng P100 para P300 na ang ibibigay nila sa awtoridad.

Pumayag kalaunan ang lady enforcer at inutusan nito ang driver na pirmahan ang tiket kunwari, at doon iipit ang pera.

Umalis ang enforcer pagkatapos.

Isinumbong nila ito sa Traffic Management Office, na agad kumilos sa insidente.

Hindi nila pinangalanan ang lady enforcer para sa proteksyon ng pamilya nito.

Sinabi ni Silang Mayor Corie Poblete na agad nilang pinatalsik sa trabaho ang lady enforcer.