Advertisers

Advertisers

LIBRENG BAKUNA AT GAMOT KONTRA COVID-19, INIALOK NI YORME ISKO

Kahit hindi residente ng Maynila...

0 482

Advertisers

LAGING magsuot ng face mask at maging masunurin sa lahat ng health protocols na ipinatutupad ng gobyerno.

“Lahat tayo ay dapat maging responsable. Magsuot lagi tayo ng face mask at magpabakuna,” bilin ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso upang mapigilan ang pagkalat at pagkakasakit sa COVID-19 sa lahat ng residente ng lungsod.

Tatlong barangay ng Maynila ang inilagay sa granular lockdown bunga ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ng nakalipas na linggo.



Paliwanag ni Yorme Isko, normal lang na ilagay sa lockdown ang isang lugar kung tumataas ang Covid infection.

Aniya, batay sa polisiya ng IATF (Inter-Agency Task Force) kailangang maghigpit sa ipinatutupad na tuntunin para mabawasan ang pagdami ng nagkakasakit ng COVID-19.

“So, we would continue to have those kinds of surgical lockdown kasi ang gusto natin, makapagbukas ang negosyo, makapagtrabaho ang tao, makapag-hanapbuhay, unti-unti tayong mag-normalize,”sabi ng 47-anyos na alkalde sa panayam ng DZRH.

Inireport ng Manila Health Department (MHD) na tanghaling tapat ng Dis. 26, mayroong 92 aktibong kaso ng COVID-19, at nasa 90,501 ang gumaling, 1,763 ang namatay.

Nitong Dis. 24, umabot sa 78 ang aktibong kaso, 181 ang gumaling at 4 ang namatay.



Sa Tondo, 29 ang nagkasakit; 12 kaso sa San Andres at parehong 7 kaso sa Pandacan at Sampaloc.

Ikinatuwa ni Yorme Isko ang balita na pumayag ang Food and Drug Administration na mabakunahan ng Pfizer’s COVID-19 vaccine ang mga batang 5 hanggang 11 taon.

Binanggit din ng kandidatong pangulo ng Aksyon Demokratiko na sa Enero 2022, uumpisahan ang maramihang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 taon.

“But for now, we are vaccinating at a very good rate 11-17-years-old and ‘yung ating general population naman, 148% at first dose and 137% naman sa ating second dose,” sabi ni Yorme Isko.

Sa kanyang pamumuno, sinabi ng alkalde na sumusunod sila sa panawagan ni Presidente Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pagbabakuna, at handa siya na mabakunahan kahit hindi residente ng Maynila.

Handa rin siya na magbigay ng libreng gamot laban sa COVID tulad ng mulnopiravir, remdesivir at tocilizumab sa sinomang nangangailangan para makapagligtas ng buhay.