Advertisers

Advertisers

P5-T BUDGET SA ‘22 LALAGDAAN NGAYON NI PRES. DUTERTE!

0 214

Advertisers

PIPIRMAHAN na ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P5.024-trillion national budget para sa taong 2022.

Sinabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, gaya ng pangako, lalagdaan ng Pangulo ang pambansang pondo nang hindi natatapos ang taong 2021.

“Inaasahan natin na tomorrow (Dec. 30) naka-schedule po ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng 2022 General Appropriations Law. So that is scheduled for tomorrow. As promised, the President will sign this very important measure na hindi pa sasapit ang December 31 kagaya ng sinabi ko kahapon. So tomorrow po ang schedule ng pagpirma ni Pangulo ng ating national budget for 2022,” pahayag ni Nograles.



Magugunitang lalagdaan na sana ng Pangulong Duterte ang pambansang pondo noong December 28.

Subalit hindi ito natuloy dahil humingi pa ng dagdag na panahon ang Palasyo para busisiin at pag-aralang mabuti ang pondo.