Advertisers
CAGAYAN DE ORO CITY – Kapwa nagpahayag ng ka-handaan ang magkatunggaling political line ups na magbigay ng reward money para sa mga tao na makapagturo sa lokasyon ng suspected sniper suspects at maging sa mismong utak nito.
Mayroong kaugnayan ito sa pagkasawi ng vice gubernatorial candidate na si Lopez Jaena mayor Michael Gutierrez na tinamaan ng bala sa ulo noong dumalo sa Christmas fellowship party ni Deputy House Speaker at Misamis Occidental 2nd District Representative Henry Oaminal sa Barangay 7,Tangub City noong nakaraang linggo.
Sa pagharap ng grupo ni incumbent Misamis Occidental Provincial Gov. Philip Tan kasama ang kanyang line up sa media, mariing itinanggi nila na mayroon silang kaugnayan sa pangyayaring pamamaril kay Oaminal na ikasawi ni Gutierrez.
Ito ang dahilan na inihayag sa alyado ni Tan na si incumbent Misamis Occidental 1st District Rep. Diego Ty na naghahanda ang kanyang pamilya ng isang milyong piso bilang pabuya para mapabilis ang pagresolba ng kaso.
Tinuligsa rin nito ang kapwa niya mambabatas na si Oaminal na pinangunahan pa ang imbestigasyon ng pulisya na umano’y mayroong kaugnayan sa politika ang pangyayari.
Sa kabilang dako, nagpaha-yag naman si Oaminal na nakahanda itong magbigay ng limang milyong piso na reward money matapos makumpirma na pumanaw na nga ang kanyang running mate na si Gutierrez.
Tiniyak ng kongresista na ila-laban nila ng patas hanggang makamtan ang hustisya para sa pamilya ng alkalde na biglang-bigla sa pangyayari.
Kinompirma ng PNP na bala ng M-16 rifle ang ginamit ng mga sa-larin sa pagbaril kay Oaminal subali’t si Gutierrez ang napuruhan at na-damay rin si dating Oroquieta City Mayor Jason Almonte na katunggali rin ni Ty sa pagka-kongresista.