Advertisers
BIBILI ang gobyerno ng dalawang bagong barkong pandigma sa South Korea.
Pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na nagkakahalaga ng P28 billion ang kanilang napirmahang kontrata sa Hyunda Heavy Industries ang shipbuilding giant ng South Korea.
Ang nasabing kumpanya rin ang nanalo ng kontrata para sa pagtayo ng dalawang barko ng Philippine Navy.
Sinabi ni Lorenzana, ang nasabing proyekto ay magbibigay sa Philippine Navy ng dalawang bagong corvettes na maaaring maging anti-ship, anti-submarine at anti-air warfare missions.
Nauna nang nakabili ang bansa ng dalawang dating US Coast Guard cutters at tatlong landing craft mula Australia ganundin ang coast guard patrol vessels mula Japan para mapaigting ang presensiya sa West Philippine Sea.