Advertisers

Advertisers

Utang ng PhilHealth sa pribadong hospital lumobo pa sa halos P1-B

0 391

Advertisers

UMABOT na sa halos P1-bilyon ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pitong pribadong ospital sa Iloilo City.

Ayon kay Dr. Elmer Pedregosa, hospital administrator ng Iloilo Mission Hospital at presidente ng Private Hospital Association of the Philippines – Western Visayas Chapter, sinabi nito na personal na nagtungo sa lungsod ang presidente ng PhilHealth at nangako na mabayaran ang nasa P895 million utang sa pamamagitan ng tinatawag na Debit-Credit Payment Method.

Sa pamamagitan nito, nais bayaran ng PhilHealth ang 80% ng good claims para ma-reconcile ang kanilang record at mabayaran ang natitirang 20%.



Ngunit ayon kay Pedregosa, hindi sila pumayag dahil hindi naman transparent ang good claims ng PhilHealth dahil karamihan dito ay “denied and unreturned” sa mga ospital.

Ito rin ang dahilan ng private hospitals sa tuluyan na pagkalas sa partnership sa PhilHealth pagsapit ng 2022.

Ang nasabing mga ospital ay ang Metro Iloilo Hospital & Medical Center Inc., Iloilo Doctors’ Hospital, Iloilo Mission Hospital, Medicus Medical Center, Qualimed Hospital Iloilo, St. Paul’s Hospital of Iloilo at The Medical City of Iloilo.