Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MATAPOS ang kanilang seryeng pinagsamahan, tila galit-galit muna ang KyCine tandem nina Kyle Echarri at Francine Diaz.
Pumasok sa PBB Season 10 Kumunity edition si Kyle at nagkaroon siya ng pagkakataong maipakita ang kanyang “vulnerable” side.
Unfortunately, hindi rin siya nagtagal sa Bahay ni Kuya pagkatapos tanghaling fourth PBB evictee.
Pinag-usapan din ang kanilang sweetness ng sexy calendar girl na si Chie Filomeno na naging third evictee sa nasabing competition.
Naging emosyonal din at affected si Kyle nang unang magbabu sa kanya si Chie sa PBB na umaming big crush ang singer-actor.
Fast forward, may bagong series si Francine minus Kyle na may titulong Bola Bola na kasama niya sina Albie Casiño at Akira Morishita.
Dahil sa bagong development na ito, may mga nang-iintriga na baka raw ma-dissolved na ang tandem ng dalawa.