Advertisers

Advertisers

VP Leni na-quarantine nagpositibo sa Covid-19 ang close-in security

0 491

Advertisers

INIHAYAG ni Vice President Leni Robredo na nakasailalim siya sa quarantine.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng exposure sa kaniyang close-in security na nagpositibo sa COVID-19.

Sa Facebook live, sinabi ni VP Leni na tinawagan siya upang ipaalam ang balita, Martes ng gabi (Disyembre 28).



Susunod aniya siya sa protocol na sumailalim sa pitong araw na quarantine.
Ibinahagi rin ni VP Leni na nagpositibo sa nakahahawang sakit ang kaniyang anak na si Tricia.

“Si Tricia asymptomatic, wala rin siyang symptoms. Tapos ayun nga, negative na siya ngayon for three straight days pero patuloy kaming sumusunod sa protocols na hindi muna nagsasama-sama,” pahayag nito.

Dagdag pa ni VP Leni, “Yung trabaho ko nga, gawin ko na lang munang online para hindi sayang sa oras. Pero nahinto ‘yung aking pag-iikot pero rest assured na ‘yung mga team natin ay tuluy-tuloy ‘yung relied operations on the ground.”

Humiling naman ng panalangin si VP Leni sa publiko na ipagdasal na hindi sila nahawa ng COVID-19.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">