Advertisers

Advertisers

4 batang recruit ng NPA, nasagip

0 219

Advertisers

Matagumpay na nasagip ng tropa ng mga sundalo ang apat na menor-de-edad na ni-recruit ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makubkob ang  hideout ng mga rebeldeng NPA sa Brgy. Magtangale, San Francisco, Surigao del Norte.

Sinabi ni Major Francisco Garello Jr., spokesman ng Philippine Army- 4th Infantry Division (ID), pawang 15-anyos na taga-Surigao del Norte ang nailigtas ng mga sundalo.

Ayon naman kay Brig. Gen. George Banzon, commander ng Philippine Army-901st Infantry Brigade (IB) na siyang may operational na kontrol sa 30th IB, nasa 30 rebelde ang nakasagupa ng kaniyang mga tauhan.



Napilitanng magsiatras sa may 30 minutong bakbakan ang mga rebeldeng NPA matapos na mapagtantong dehado sila sa sagupaan at inabandona sa kanilang hideout ang apat na batang recruits.

Narekober sa encounter site ang isang cal 45 pistol na may magazine, isang hand grenade, isang handguard ng M653 rifle, isang AR 15 hand guard, apat na Improvised Explosive Device, sari-saring gamot, mga pagkaing delata at iba pang food stuffs.

Sa tala ng 4th ID , nasa 70 menor-de-edad na ang nasagip ng tropang gobyerno matapos ma-recruit ng mga rebelde.