Advertisers
ANG simpleng tagu-taguan ang naging mitsa ng buhay ng 7-anyos na babae nang magulungan ng isang bus sa terminal.
Kinilala ang biktima na si Asia Mae Dela Cruz, na nakikipaglaro ng tagu-taguan nang mabangga ng bus.
Sa report, nangyari ang insidente sa loob ng terminal ng Philippine Rabbit sa Oroquieta Street sa Sta. Cruz, Manila.
Sa ulat, nagtago ang bata sa labas ng bus nang biglang umabante ang sasakyan.
Doon na nagulungan ng likurang gulong ng bus si Dela Cruz.
Ang driver ng bus ay nakilalang si Eljecar Sumalpong Gumangcam na nahaharap sa kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide’.