Advertisers
TATALAKAYIN ng Metro Manila Council ang mga terms para sa “enhanced vaccination mandate” na magbibigay sa mga fully vaccinated nang indibidwal kontra COVID-19 ng mas maraming mobility at access privileges.
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos, pinagsasama-sama pa nila ang mga polisiya mula sa iba’t ibang bansa na maari nilang gayahin at maipatupad sa National Capital Region kung saan ang COVID-19 reproduction number ay tumaas sa 4.05 at ang positivity rate naman ay pumalo na sa 28 percent.
Kaya naman target aniya ng mga Metro Manila mayors na i-maximize ang vaccination status ng mga tao gayong hindi naman lahat ay maaring pilitin na magpabakuna kontra COVID-19.
Noong Miyerkules, inihayag ni Abalos na inaprubahan ng Metro Manila Council ang resolusyon na bumubuo sa isang technical working group na siyang mangunguna sa pag-aaral kasama ang IATF.