Advertisers
Nasawi ang isang ginang nang masagasaan ng motorsiklo sa bayan ng Mabini sa Batangas
Kinilala ang biktima na si Maria Isla, 80 taong gulang. Habang ang suspek si Paul John Gonda.
Base sa imbestigasyon, mabilis na nagpapatakbo si Gonda ng kaniyang motorsiklo nang bigla nitong masagasaan si Isla habang tumatawid sa Barangay Saguing.
Agad namang isinugod sa Bauan Doctors General Hospital ang matanda, ngunit makalipas ang dalawang oras agad itong binawian ng buhay.
Dinakip naman ang suspek at nahaharap sa kaukulang kasong kriminal.