Advertisers
PATAY ang hostage taker nang tangkain nito na tagain ang isa sa tatlong biktima, na ang isa ay sinaksak nito sa iba’t ibang parte ng katawan sa Antipolo City.
Kinilala ni Police Lt. Colonel June Paolo Abrazado, hepe ng Antipolo Police, ang biktima na sinaksak na si Teresa Lorena, 37 anyos, habang naisalba ng mga awtoridad ang dalawa pang hostage victims na sina Mary Grace Lorena, 25, at ang 6 buwan na pamangkin na si Sabel Lorena.
Hindi pa nakikilala ng pulisya ang salarin na dead on arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) matapos barilin ng mga operatiba.
Ayon sa pahayag sa pulisya ng ama ng mga biktima na si Joe Lorena, 5:00 ng umaga ng Enero 1, 2022 nang pasukin sila ng lalaki na armado ng itak at kutsilyo sa No. 7 Phase 1, Seruna Village, Barangay Mambugan sa lungsod.
Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ng lalaki ngunit nagising si Teresa kaya’t sinaksak nito ang huli sa leeg at sa iba’t ibang parte ng katawan na masuwerteng hindi napuruhan.
Halos isang oras na hinostage ng lalaki sina Mary Grace at ang sanggol habang kinakausap ito nina Abrosado at Maj. Dante Aquino ng Highway Patrol para sumuko.
Dakong 9:09 ng umaga nang tangkain na tagain ng lalaki si Mary Grace kaya pinagbabaril na ito awtoridad. Naggtamo ang lalaki ng maraming tama ng bala sa katawan at dead on arrival sa ospital.(Edwin Moreno)