Advertisers
IBINALIK muli ang Metro Manila sa mas mahigpit na Alert Level 3 simula ngayong araw, Enero 3 hanggang Enero 15, 2022.
Pahayag ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring tumatayong acting presidential spokesperson.
Ang hakbang ng pamahalaan at ng IATF ay kasunod na rin nang pagkaka-detect ng tatlong local cases ng Omicron variant sa bansa na pinaniniwalaang mas nakakahawa.
Base naman sa Resolution Number 155, inaprubahan ng IATF ang Alert Level 3 sa NCR makaraan ang rekomendasyon ng Department of Health at ang Technical Advisory Group at Task Force on COVID-19 Variants.
Aminado si Nograles na sa mga susunod na araw ay baka lalo pang sumipa ang bilang ng mga active COVID cases sa bansa.
Nitong huling araw lamang ng buwan ng Disyembre biglang umabot sa halos 3,000 ang bilang ng mga bagong dinapuan ng virus sa bansa.
Matatandaan na una nang inilagay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Alert Level 2 ang buong bansa hanggang Enero 15, 2022.