Advertisers

Advertisers

‘PERSON OF INTEREST’ SA PAGPATAY SA PISKAL SA CAVITE

0 336

Advertisers

NATUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang “person of interest” kaugnay ng pagpatay kay Assistant City Prosecutor Edilberto Mendoza na pinagbabaril sa labas ng tahanan nito sa Trece Martires City, Cavite nitong bisperas ng Bagong Taon.

Ito ang inihayag ni PNP Chief, General Dionardo Carlos, na ipinag-utos na pabilisin at masusing imbestigahan ang motibo ng pagpatay kay Mendoza.

“Persons of interest have been identified but we defer to premature disclosure to preclude any compromise in the investigation,” pahayag ni Carlos.



Si Mendoza, 48 anyos, ay dead-on-the-spot sa tinamong tatlong tama ng bala sa ulo nang pagbabarilin habang nag-eehersisyo sa labas ng kanyang bahay sa Elysian Field Subdivision, Barangay Cabuco, ng nag-iisang salarin sa pagsalubong sa Bagong Taon 7:33 ng umaga.

“The investigators will look into the cases handled by Fiscal Mendoza to establish if the motive of the crime is job-related,” pahayag ni Carlos.

Nangangalap na ng ebidensya ang Trece Martires City Police Station kabilang na ang CCTV footages sa loob ng subdibisyon na kinaroroonan ng bahay ng biktima upang matukoy ang responsable sa krimen.

Sa tala, ang biktima ang ika-66 abogadong napatay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">