Advertisers
KANSELADO ng tatlong araw ang trabaho sa Korte Suprema mula Enero 3 hanggang 5, 2022 matapos na ilan sa mga court personnel ang nagpositibo sa COVID-19 makaraan na sumailalim sa antigen test noon lamang Disyembre 27, 2021.
Nagsumite na ng report ang Medical and Dental Services (MDS) kay Chief Justice Alexander Gesmundo pahinggil dito.
Lumabas din sa isinagawang contact tracing na maraming mga nakahalubilong empleyado ng Korte Suprema ang mga nagpositibong empleyado.
Ang desisyon na pansamantalang suspindehin ang trabaho sa Korte Suprema sa loob ng tatlong araw ay kinonsulta rin ni Gesmundo sa iba pang mga mahistrado.