Advertisers
PARA sa kaligtasan ng publiko, kanilang staff at supporters, pinasara muna ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang BBM-Sara UniTeam headquarters simula nitong Enero 3 hanggang sa magbigay sila ng pasabi kung kailan magbubukas.
Iniatas din ng dating senador ang pagpaliban sa lahat ng activities ng UniTeam simula ngayon hanggang Enero 15 ng taon.
Pero ang lahat ng paghahanda sa kampanya at ibang administrative functions ng UniTeam ay magpapatuloy sa pamamagitan ng work-from-home arrangements at virtual meetings ng concerned staffers at campaign personnel.
Dahil dito, lahat ng public appearances, sorties at assemblies ng BBM-Sara UniTeam ay postponed sa loob ng nasabing mga araw.
Sa pagsara ng kanilang headquarters, isasailalim sa kumpletong disinfection ang buong pasilidad para matiyak ang kaligtasan ng lahat laban sa Covid-19 kapag nagbalik ang kanilang operasyon.
Inanunsyo rin ni Atty. Vic Rodriguez, ang tagapagsalita at Chief of Staff ni Marcos, na mahigit 20 staff nila ang tested positive ngayon sa Covid-19, dahilan para isara muna ang kanilang campaign headquarters.