Advertisers
NAPAGKASUNDUAN ng Metro Manila Mayors na huwag munang palabasin ang kanilang mga constituents na hindi pa bakunado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ay kasunod ng biglaang paglobo ng kaso ng COVID-19 noong mga nakaraang araw at itinaas na sa Alert Level 3 ang National Capital Region simula nitong Lunes hanggang Enero 15.
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos, base raw sa pinagkasunduang “principle,” ang mga unvaccinated individuals ay dapat manatili lamang sa kanilang mga bahay maliban na lamang sa mga essential trips.
Hindi rin papayagan ang mga itong pumasok sa mga restaurants maging sa outdoors, malls at public transportation sa Metro Manila.
Nilinaw naman ni Abalos na ang kanilang isasagawang paghihigpit sa mga hindi pa bakunado ay pansamantala lamang habang nasa Alert Level 3 ang NCR.
Layon nitong maprotektahan ang ating mga kababayang wala pang bakuna.