Advertisers

Advertisers

Korapsyon ni Terereng, malaking dagok kay Mayor Calixto – Rubiano

0 271

Advertisers

SA ikalawang pagkakataon, muling tumatakbo si Mayor Emi Calixto – Rubiano bilang alkalde ng Lungsod ng Pasay.

Kung mananalo si Rubiano, ikalawang termino na niya itong 2022 hanggang 2025.

Tulad ng ibang alkalde, pangkaraniwan lang ang mga nagawa ni Rubiano sa unang termino niya.



Hindi ito kagilas-gilas upang humanga nang todo ang mga residente ng Pasay at mga malalaking negosyante.

Pokaragat na ‘yan!

Kung nakapasok ang mga malalaking kapitalista tulad ni Dennis Uy ay dahil estratehiko ang lokasyon o posisyon ng Pasay, partikular ang bahagi ng Roxas Boulevard.

Napakaganda ng gilid ng Manila Bay na tayuan ng mga negosyong makaaakit ng maraming mamimili at turista.

Isa si Dennis Uy na nakakuha ng “land reclamation project” sa ManilaBay.



Sa kanyang muling pagtakbo, mayroong bitbit na ‘bagahe’ si Emi Calixto-Rubiano.

Ito ay isang taong nagyayabang na kamag-anak niya si Rubiano na tawagin natin sa kakaibang palayaw na “Terereng”.

Bantog si Terereng sa city hall ng Pasay, lalo na sa tanggapan ni Mayor Rubiano dahil sa kanyang kasibaan umano sa pera.

Pokaragat na ‘yan!

Ayon sa impormasyon ipinarating sa BIGWAS!, pasok daw sa korapsyon ang nasabing Terereng kung pagbabatayan natin ang Anti-Graft and Corruption Practices Law dahil isang malinaw na porma ng korapsyon ang paghingi ni Terereng ng 15 porsiyento sa mga proyektong ipinapasok sa pamahalaang lungsod ng Pasay.

Kung walang 15% si Terereng, hindi tatanggapin at hindi papasa ang proyekto.

Mabalasik itong si Terereng , sapagkat ang 15 porsiyento komisyon ni Terereng ay solo lang umano niya.

Pokaragat na ‘yan!

Kung hindi masiba sa pera, hindi ko alam ang tawag diyan!

Kung nagdeklara ng 15% na ‘tara’ si Terereng, tiyak milyonaryo na ang taong ito.

Hindi lang matiyak ng impormante ng BIGWAS! kung mayroong parte si Mayor Emi Calixto – Rubiano sa korapsyong ginagawa ni Terereng.

Ang tiniyak ng impormante ay malaking dagok ang korapsyon ni Terereng sa kandidatura ni Rubiano.

Ang masama pa ay kung nagbigay ng napakalaking pondo si Terereng para sa kampanya ni Rubiano.

Kung gusto n’yong malaman ang katotohanan, mainam na itanong ng mga residente ng Pasay kay Rubiano ang korapsyon ng isang Terereng na nagyayabang na kamag-anak ni Mayor Emi Calixto – Rubiano.