Advertisers

Advertisers

PUV operators na lalabag sa 70% passenger capacity pagmumultahin, i-impound mga units

0 190

Advertisers

PINASISIGURO ng Department of Transportation (DOTr) sa mga operators ng mga pampublikong sasakyan na mahigpit na sundin ang 70 percent na passenger capacity matapos na ibinalik ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 3.

Binigyan diin ng DOTr na paglabag sa mga kondisyon na nakasaad sa kanilang prangkisa ang hindi pagsunod sa mga patakaran na inilatag ng pamahalaan.

Nitong Linggo, Enero 2, 2022 naglabas ang Land Transportation Office (LTO) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng kani-kanilang mga memorandum na nagbabala sa mga land-based transportation stakeholders at operators hinggil sa multang kanilang kakaharapin at posibleng pag-impound sa kanilang mga units kung ‘di susunod sa mga patakaran.



Matatandaan na ibinalik ng pamahalaan sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula nitong Lunes, Enero 3 hanggang 15, 2022 dahil sa pagtaas ng mga naitalang COVID-19 cases sa bansa kamakailan.

Iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi ito panahon ngayon para magpakampante ang lahat kaya kahit sila sa transportation sector ay mahigpit ang paalala sa mga stakeholders na dapat mahigpit na sundin ang mga umiiral na mga panuntunan.

Pinapaalalahanan din ng kalihim ang publiko na dapat sundin ang minimum health protocols na inilatag ng gobyerno gayong ito ay para na rin sa kapakanan at ikabubuti ng lahat.