Advertisers
PATAY ang 47-anyos na fish vendor nang pagtatagain ng dalawang barangay officials sa Aringay, La Union.
Kinilala ang biktima na si Vic Dulay ng Barangay Alaska. At ang mga salarin ay ang kapitan ng barangay na si Johnny Galano; at Barangay Secretary na si Dominador Rolloda.
Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang dalawang salarin.
Nabatid na magkakamag-anak ang biktima at mga salarin na pawang dumalo sa kasal ng isa pa nilang kamag-anak.
Ayon kay Police Captain Lyndon Pang-Ag, deputy chief ng Aringay Police station, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang isang salarin at sinubukan nitong hawakan ang biktima pero pumiglas at umalis.
Pumunta umano ang mga salarin sa bahay ni Galano at kumuha ng itak at sinugod sa bahay ang biktima at doon naganap ang krimen.
Sinabi ng isang kamag-anak ng biktima na napikon si Galano kay Dulay dahil sa mga “special request” nito na bahagi ng kasalan bago ibigay ang donasyon.
Tumangging magbigay ng pahayag ang mga salarin na sinampahan ng reklamong murder.