Advertisers

Advertisers

Reproduction number sa NCR ‘very high’, positivity rate 40%

0 360

Advertisers

SINABI ng OCTA Research Group na naabot na ng positivity rate sa Metro Manila ang “very high” category nang pumalo na ito sa ngayon sa 40 percent.

Ayon kay Dr. Guido David, ito na ang pinakamataas na positivity rate sa Metro Manila magmula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Para kay David, nahihirapan na sa ngayon ang testing laboratories sa dami ng mga nagpapasuri sa kanila.



Samantala, ang reproduction rate naman sa NCR ay nasa 5 na sa ngayon, ayon kay David.

Maging ang average daily attack rate sa NCR ay “high” na rin sa kasalukuyan.

Pahayag ni David, ang average positivity rate ng Metro Manila sa nakalipas na pitong araw ay nasa “critical level” na 25 percent.

Gayunman, ang healthcare utilization naman sa rehiyon ay nasa “low risk” pa rin sa ngayon dahil ito ay nasa 34 percent.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">