Advertisers

Advertisers

TEAM ISKO, FOCUS MUNA VS OMICRON; TIGIL MUNA SA ‘LISTENING TOUR’

0 339

Advertisers

UUNAHIN ng Team Isko ang paglaban sa mabilis na makahawang Omicron variant bago muling isagawa ang “Listening Tour” sa iba-ibang lugar sa bansa.

“Naka-focus muna kami sa pandemic ngayon, itong surge. Kailangan na maagapan agad natin ito, mas gusto ko ngayon ay magamot namin kayo. The Listening Tour will come later,” sabi ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa media.

Binisita kamakalawa ng kandidatong presidente ng Aksyon Demokratiko ang Araullo Quarantine Facility na handa nang tumanggap ng tatamaan ng Omicron sa Maynila.



“Hindi ko muna iniisip (ang Listening Tour). Gusto ko ngayon, pag may na impeksyon meron kayong pasilidad, meron kayong doctor, at gumaling kayo agad. Sa paglaban sa pandemya muna ang focus namin ngayon,” sabi ni Yorme Isko.

Aniya, ang kailangan ngayon ay mabilis na kilos at kooperasyon ng lahat, lalo na ang mga doktor, narses at iba pang taong gumagalaw laban sa bagong virus.

Ibayong pag-iingat ang proteksiyon sa sarili ang kailangan, ani Isko dahil ayon sa natanggap na report, “marami tayong mga nurses, doctors na nare-infect.”

Upang mapigilan ang pagdami ng pasyente, lalo na sa mga health worker, inihanda na ng gobyerno ng Maynila ang 12 quarantine facilities sa siyudad.

Inaktibo na rin ni Yorme Isko ang Manila Health Department (MHD), Manila Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) at Manila Police District (MPD) kung biglang dumami ang tatamaan ng Omicron.



Ayon pa sa 47-anyos na alkalde marami sa mahigit na 544 kaso ng COVID sa Maynila simula noong Enero 2, 2022 ay mga hindi bakunado.

“Magpabakuna na kayo. Baka po, ilang oras ngayon o ilang araw ngayon o linggo ay pahigpit nang pahigpit ang magiging regulasyon sa unvaccinated,” paliwanang ni Yorme Isko.

Malakas makahawa ang Omicron, sabi ng alkalde at malaki ang posibilidad na magka-COVID ang mga hindi pa nababakunahan.

Sa mga pasaway, nakiusap si Yorme Isko na sila ay maging disiplinado at maging responsableng tao.

“Maging responsible para sa pamilya at sa kapwa,” sabi ng alkalde, kasunod ang babala na hindi na papayagan pa sa mga malls at restoran ang mga hindi bakunado.

Aniya, may ganito nang resolusyon ang Metro Manila Mayors at ipinaubaya na nila kay (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang paggawa ng tuntunin sa pagpapatupad ng pagbabawal.

“Basta para amin, for now, pag hindi ka bakunado stay home as much as possible,” sabi ni Yorme Isko.