Advertisers

Advertisers

Beteranong lider ng NPA todas sa bakbakan sa Davao

0 258

Advertisers

PATAY ang lider ng New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa Mabini, Davao de Oro, Miyerkoles ng gab.

Kinilala ng 10th Infantry Division (10ID) ang nasawi na si Menandro Villanueva alias “Bok”, most wanted communist rebel sa Mindanao.

Nagtamo si Villanueva ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.



Si Villanueva ang longest-serving secretary ng NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC) at sekretarya ng Komisyong Mindanao, commanding officer ng NPA National Operations Command, at miyembro ng POLITBURO ng Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP). Isa siya sa founding member ng NPA sa Mindanao noong 1970s kasama si Edgar Jopson.

Ang pagkakapatay kay Villanueva ay resulta ng natanggap na tip ng mga awtoridad mula sa isang concerned citizen.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng pursuit operations ang militar laban sa mga kasama ni Villanueva.(Mark Obleada)