Advertisers

Advertisers

Navy officer patay sa underwater training

0 276

Advertisers

CAVITE – Nasawi ang isang trainee ng Philippine Navy nang malunod habang nagsasanay sa malalim na bahagi ng karagatan sa Marine Base Gregorio Lim, Kaynipa Grande, Barangay Sapang 1, Ternate, Cavite nitong Martes.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Private Laurence Pabraquil Remontal, 26 anyos.

Sa imbestigasyon ni Police SMS Andres Agcaoili, may hawak ng kaso, kasalukuyan nagsasagawa ng underwater knot tying si Remontal sa may 20 feet lalim ng karagatan nang mapansin ng instructor nito na may mga dugong lumalabas sa ilong nito at tila nangingisay ang biktima.



Agad na tinulungang iahon ang biktima at isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital pero hindi na ito naisalba pa.