Advertisers

Advertisers

PNP sa motorista: Dalhin ang vaccination card sa pagbibiyahe

0 425

Advertisers

PINAALALAHANAN ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos ang lahat ng mga motorista at commuter na pumapasok at lumalabas ng Metro Manila at kalapit na lalawigan na dalhin ang kanilang mga vaccination card na isa sa mga kailangang ipakita pagsapit sa mga border control point o checkpoint.

Ang paalala ay sinabi ni Carlos matapos na ipabatid ng ilang mga Local Government Unit sa Metro Manila at lalawigan ng Bulacan na kailangan magpakita ang mga commuter at motorista ng kanilang mga vaccination card bilang patunay bago payagang makapasok sa lungsod o Munisipalidad.

Aniya, ang mga walang maipakitang mga vaccination card ay hindi papayagang makapagpatuloy na makabiyahe at papauwiin pabalik.



Isinaad ni Carlos na ang hakbang ay bilang pagsunod sa Metro Manila Mayors upang mapigilan at limitahan ang galaw ng mga hindi bakunadong indibidwal upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.

Humingi naman ng paumanhin si Carlos sa pagdulot ng mahabang trapiko sa pagpapatupad ng nasabing hakbang ngunit kailangan ito upang malabanan ang pagkalat ng covid-19

“The PNP is fully aware that movement must not be hampered, but non-essential travel can be controlled. Just stay at home at this time when you have nothing important to do outside,” ani Carlos.

Binigyan-diin naman ni Carlos na patuloy naman ang kanilang isasagawang assessment sa sitwasyon araw araw kung kailangan magdagdag ng mga pulis upang maiwasan ang trapiko sa mga checkpoint.

Magugunita na nagkaisa ang mga Mayor sa Metro Manila na dapat na manatili sa kanilang mga bahay ang mga hindi bakunado maliban lang kung kailangan lumabas ng bahay para bumili ng pagkain.



Ang Metro Manila ay isinailalim sa alert level 3 mula January 3 hanggang January 15 habang ang Bulacan, Cavite at Rizal simula January 5 hanggang 15 dahil sa pagtaas ng kaso ng covid-19. (Mark Obleada)