Advertisers

Advertisers

Magkasintahang Tsekwa tiklo sa P3m robbery/extortion at carnapping

0 539

Advertisers

Bacoor City, Cavite- Nasakote ng mga elemento ng Bacoor City Police Station ang magkasintahang Chinese nationals sa entrapment operation matapos silang ireklamo ng robbery extortion at carnapping ng kasamahan sa trabaho sa Bacoor Industrial Park.

Kinilala ang mga dinakip na sina Candi Yang, 29 anyos, supervisor sa POGO at tubong Xi Jiang, China; at Fufei Xiang, dalaga, mula Hubei, China, at kapwa nakatira sa Doctor Ayala, BarangayAlabang,Muntinlupa City.

Ang biktima ay nakilalang si John Laurence Jose, 24, kasama sa bahay at tauhan ng magkasintahan sa POGO.



Base sa salaysay ng biktima kay Patrolman Jerome Asid, may hawak ng kaso, pinagmaneho niya ang mga suspek noon December 21, 2021 patungo ng Pasay City pero sapilitan kinuha ang kanyang service na Toyota Alphard na may plakang CAO7067 at ipinapatubos ng P3 milyon.

Agad nakipag ugnayan ang biktima sa mga otoridad, na agad naglatag ng isang entrapment operation laban sa magkasintahan.

Narekober sa magkasintahan ang boodle money na powder dusted na nagkakahalaga ng P3,000.000.

Nakakulong na ang magkasintahan na nahaharap sa kasong Carnapping at Robbery Extortion.(Koi Laura)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">