Advertisers

Advertisers

P1.4m shabu nasamsam sa drug den sa Taguig, 6 timbog

0 263

Advertisers

AABOT sa 205 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,394,000.00 ang nasamsam ng nga operatiba sa isang drug den sa Taguig nitong Huwebes, Enero 6, na ikinaaresto ng anim katao.

Kabilang sa naaresto sina Nerilita Jumaquio, 55 anyos; Jon-Jon Cajucom, 35; Jobelle Cruz, 36; Norudin Bandong, 28; Raida Ali, 25; at Crisanto San Jose, 63, pawang taga-Taguig City.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brig. General Jimili Macaraeg, ang anim ay dinampot sa buy-bust operation sa 438 Dinggin Bayan St., Brgy. Ibayo-Tipas, 6:50 ng gabi ng Huwebes.



Nakumpiska ng mga awtoridad ang 32 transparent plastic sachets, drug paraphernalias at mga personal na gamit ng mga suspek. (Gaynor Bonilla)