Advertisers

Advertisers

Salpukan ng pick-up at motorsiklo: 2 patay

0 220

Advertisers

NAGA CITY – Dead-on-arrival ang dalawang lalaki nang makasalpukan ng isang motorsiklo ang pick up truck sa Diversion Rd., Barangay Triangulo, Naga City.

Kinilala ang mga biktima na sina Warren Villagomez, 25 anyos, ng Patag, Libmanan, Camarines Sur; at ang backrider nito na si Jorex Buban, 22, ng Zone 6, Brgy. Concepcion Grande, Naga City.

Ayon kay Police Major Rey Alvarez, hepe ng Naga City Police Office 5, habang paliko ang pick-up na minamaneho ni Oliver Dy, 48, ng San Roque, Camaligan, Camarines Sur papunta sa M-Plaza nang maabotan ito ng paparating na motorsiklo mula sa kabilang direksyon na minamaneho ni Villagomez at sumalpok sa pick-up.



Sa lakas ng impact ng pagkakasalpok, tumilapon sa sementadong kalsada ang mga biktima nagtamo ng seryosong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan at dead on arrival sa pagamutan.