Advertisers

Advertisers

2 senglot patay sa irrigation canal

0 462

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang dalawa katao na sakay ng motorsiklo nang mahulog sa irrigation canal sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga biktima na sina Niño Tamunan na taga Magpet Cotabato; at Alyas Boboy na residente ng Barangay San Vicente Makilala Cotabato, mga construction workers.

Ayon kay M’lang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Officer Bernardo Tayong II, na nakita ng mga residente ang bangkay ng mga biktima kasama ang kanilang sinakyan na motorsiklo sa irrigation canal ng Barangay Buayan M’lang Cotabato.



Patay na ang mga biktima at posibling gabi pa nahulog sa irrigation canal ang kanilang sinakyan na motorsiklo.

Dahil lasing nalunod ang dalawa sa irrigation canal na dahilan ng kanilang pagkasawi.

Galing umano sa isang okasyon ang mga biktima at lasing na umuwi na sakay ng motorsiklo.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng M’lang PNP sa naturang pangyayari.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">